Tuesday, May 19, 2009

malas kapag malas...

Friday na pero may pasok pa din bukas, sa SM North Edsa, manunuod kasi kami ng stageplay ng Ibong Adarna, buong batch ng freshmen tapos may kasama din kaming taga-ibang schools. Nakadating ako sa sm ng mga quarter to seven so close pa ang establishment. Nasa labas kami ng cyberzone kasama ko sina rex at ivan dahil hindi din sila sumabay sa bus...kasi nga naman..ako taga tandang sora, qc. Kaya mga 10 minutes galing sa amin nasa sm na ako. Dumating na ang bus ng section namin pero naghintay pa kami ng matagal sa labas kasi hindi pa open ang mall. Mga isang oras yata yun...hahaha...sa wakas naka-pasok na din kami...pero naghintay pa din kami ng mga 30 minutes bago kami makapasok sa sinehan, hindi pa din kasi open ang mall syempre...sa isang oras at tatlumpu't minuto na paghihintay namin dun ay may nangyaring hindi inaasahan. Ihing ihi na ako! nagpaalam ako kay sir para pumunta sa CR kahit alam kong hindi pa ito open...sabi ni sir itanong ko na lang daw dun sa boy kung san yung cr....nung nag-tanong na ako, sabi niya closed pa daw ang mga CRs...sa loob pa lang daw ng sinehan yung open...so dahil hindi pa nga kami makapasok ng sinehan, naghintay pa ako ng sobrang tagal! Sasabog na ako...! mga sampung minuto pa daw...whew! Nakakapagod...kaya naman galaw na lang ako ng galaw, alam niyo naman siguro kung bakit. At Haaaaay salamat na din...papasok na ako ng sinehan....at nung nagpaalam ako dun sa "lokong walang pakialam" .....para siyang usher.....UMILING SIYA...nainis ako!!!!!! Napuot talaga ako sa kanya!!!!!!!!!!!!! e ano nga bang magagawa ko??! nasa kanya yung susi! g*go talaga yung lalaking yun! walang pakialam! kung siya kaya ilagay ko sa katawan ko...tingnan lang natin! (sorry.....can't help it dude. hahahahaha) Di tuloy ako nakapag-concentrate....di ako masyadong naaliw...in the middle of the show ko na nailabas ang tubig ko...nag-paalam ulit ako kay sir. After the show...nag-pasundo na lang ako (don't worry alam ni ma'am..hahaha...nagpadala si mama ng letter..haha.) dahil diretso din kami sa birthday party ng pinsan ko, nagpadala ako ng underwear at pants....(alam nyo naman siguro kung anong nangyari diba??!! Kasalanan ko ba?! KUNDI DAHIL SA G*GO*G LALAKING WALANG PAKIALAM DUN...! edi na-enjoy ko sana bonding namin ni Ibong Adarna...aus! hehe.

No comments: