Tuesday, May 19, 2009
stranded mode...
Inaantok na ako pero gusto ko ikwento sa inyo 'to dahil 'tumpak' talaga 'to. Last week ito nangyari...exams ko nito, at unexpected na dumating si Karen. Umagang umaga nang salubingin niya kami, pagkagising na pagkagising ko ay nag-iingay na siya at hinihipan niya na ang mga punong nasa labas ng bakod namin. Hindi na ako umaasang ma-sususpendi pa ang klase namin dahil hanggang 10 lang naman talaga kami. Pagkalabas namin sa bahay ay hindi namin maiiwasan na ilabas ang mga payong dahil sa umaampiyas na laway ni Karen. Umaga pa man di nun, morning breath na nga, morning saliva pa. Wala naman tayong magagawa dun. Pagkakababa sa akin ng taxi driver sa uste, akala ko ay magkakasakit na ako dahil sa lamig..buti na lang ay nakapag-enervon ako..haaaaay. Ang lakas ng hininga ni Karen! Halos tumapon ang payong ko hanggang sa makadating ako sa building namin. Pag tumbok ng alas otso sa orasan ay nagsimula na ang exzzzzzzaminasyon. Sagot sagot sagot....dismissal na! Hindi ako umasang walang mga isda na nag-iiswimming sa p.noval at espana, kung saan ako tatawid para kumuha ng fx, kaya naman, agad agad kong kinuha ang aking mahiwagang tsinelas sa locker. Sinuot ko ito at sabay na lumusob sa espana river. Buti na lang talaga ay agad akong nakakuha ng fx kasi kung hindi baka na-tangay na ako ng alon na tutumbok sa quiapo..o diba, high tide na yun. Basang-basa ako....kaya hindi din ako umaasang hindi ako iiwasan ng mga tao sa loob ng sasakyan kasi nga naman basa na sila, mas lalo pa silang mababasa..sinong may gustong mangyari nun diba??!. Praise the Lord at narating ko ang dapat kong marating...nawalan pa ako ng signal..'yan tuloy hindi ako masundo...pero mga after 15-20 minutes ay bumalik na ito.....brrrrrrrrrr.....nakauwi na din sa wakas......ng high at basa....salamat na lang sa asul kong payong at sa aking jacket. hehe. solb na solb.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment