Wednesday, May 20, 2009
it bothers me a lot...
Nakalipas na ang dalawang taon at hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin kung saan siya napunta at saan siya napadpad. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw kung saan siya'y naging isang taksil at traydor. Nobyembre 2006 nang gawin niya iyon, nagulat ako kumbaga'y dahil hindi ko alam na gagawin at magagawa niya iyon. Naging malapit kami sa isa't isa pati na rin sa mga magulang at mga kapatid ko. Sa tingin ko ay apat o limang taon rin siya nag-seserbisyo para sa amin. Kaya sa ganoon ay buong buo ang tiwala namin sa kanya. Nang nagtayo kami ng tindahan na matagal nang inaasam ng aking nakakatandang kapatid, dumating ang dalawa sapagkat kailangang madaming magaasikaso para makabenta ang aming tindahan. Hindi nagtagal lumayas ang isa. Hinding hindi ko makakalimutan iyon sapagkat nung araw na iyon ay aking kaarawan, Setyembre 22, 2006. Pagkarating namin sa bahay ay nagtaka kami kung bakit walang katao tao at pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na si _________, tinanong namin sa kanya kung nakita at kung naabutan niyang umalis si ______. Gulat na gulat rin siya. Pero sa sandaling iyon ay pinagdudahan rin namin siya na baka siya ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari. Tinapos muna namin ang matinong usapan para mahipan ko na ang mga kandila sa aking tsokolateng keyk.
Pagkalipas ng ilang linggo, araw at buwan ay napapansin naming bumababa ang benta sa tindahan kaya pinasamahan muna namin sa isa naming katulong si ________ para magbenta. Baka kasi sa ganoon ay lumakas ang aming tindahan sapagkat napakamahal ng rentang aming inuupahan sa mall na iyon. Hindi nagtagal lumipat na rin kami sa ibang puwesto, na-lugi kasi kami pati na rin sa aming renta. Nobyembre 2006 nang gumising ang nanay ko para ipaghanda ng umagahan si tatay at ang aking mga kapatid. Sabay niya rin sinabi sa akin na hindi na raw sila nagpakita at naglakas loob na lumayas. Isang taksil! tryador! ang tawag sa mga taong ganun. Pero hindi rin naman natin alam kung ano talagang nangyari at dahilan kung bakit nila ginawa ito. Simula noon ay naging suspect si __________ sa paglayas ni __________ noong nakaraang kaarawan ko. Siguro daw dahil sa pagseselos. Tapos makailan lang, Agusto 2007 nang bumagsak at nabasag ang "batang lalaking" imahe. Natanggal ang kanyang mukha. Kabadong kabado ako noon sapagkat hindi ko talaga inaasahan na mababasag iyon dahil lang sa kakulitan namin ng aking mga kaibigan. Natabig namin ang lamesa at biglaan itong bumagsak. Doon naalala ko na sumumpa siyang pag nabasag daw iyon ay mamamatay na siya o maaaring patay na siya (bigay niya kasi sa akin yun nung pasko) at sa lahat ba naman ng matatanggal ulo pa!! Simula noon ay naiisip kong sumakabilang-buhay na nga siya (hanggang ngayon hindi ko pa tinatapon ang imahe sapagkat iyon lang ang munting magagandang alaala mula sa kanya. Pinaste ko na lang! Solb ang problema!).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment