Monday, May 25, 2009

apat na bagsak para kay Father!

“Kahit hindi ka dapat mainis, maiinis ka” Ayan ang naging experience ko last night pagkatapos namin mag bonding ng mga pinsan at kapatid ko sa MOA kasama din si Mama. Nagbakasyon kasi ang dalawa kong nakababatang pinsan sa amin ng apat na araw at kahapon ay inihatid na namin sila kina tita pagkatapos ng Kahit hindi ka dapat mainis, maiinis ka episode.

Masimulan na nga ang pagtalakay sa episode na yun. Pagkatapos mag ikot-ikot ay nagsimba kami sa simbahan ng *toot* (bawal sabihin!) dahil araw ng Linggo kahapon at araw rin pala ng pag-akyat ni Hesus patungong langit. Hehe. Umatend kami ng seven pm Mass sa simbahan na iyon at kamalas-malasan naman! Talagang malas! Na-under pa kami sa paring KSP kung aming tawagin. Nakakapag-sala nga naman.

Iyon ang unang pagkakataon na nakasimba kami sa simbahang iyon pagkatapos ng kasal nina tito doon at iyon din ang magiging kahuli-hulihang pagkakataon na sisimba kami doon. Ayaw na kasi namin ulit ma-under sa “rector” (hindi ko alam kung paano siya naging rector sa lagay na yun) na nag-Misa kagabi. Alam kong hindi ako karapat-dapat na mainis at magalit sa mga pari dahil sila ay mga alagad ng Diyos pero hindi na sa paring ito dahil sa tingin ko, nalampasan niya na ang kanyang limit. Hehe. Masyado kasi siyang nagpapansin sa Misa kagabi. Tapos na ang Homily pero sa kanya hindi pa, dahil bago mag-final blessing nag Homily siya ulit. Homiling hindi ugma sa Gospel.

Sabi niya, sa mga hindi daw nakakakilala sa kanya, siya daw ang masungit, pangit at striktong rector ng parokyang iyon (sinesecond da motion ko naman ang kanyang mga sinabi pero anong pake namin kung siya ang rector ng simbahang iyon. Ang kelangan namin sa mga pari hindi mayabang) Sabi niya dapat sa lahat ng pagkakataon sumasagot daw kami sa mga responses sa Misa at kumakanta. Active participation raw ang kailangan. Hindi niya na daw kailangan ulit ulitin ang dasal at mga tanong (Yup! Alam po namin yun. Hindi po namin first time na magsimba sa shrine niyo.) Sabi din niya dapat daw pinapatahimik ng mga magulang ang mga anak nila tuwing Misa dahil nasa bahay daw sila ni Lord (Naging bata ka ba kahit minsan Father? Hindi ka naman kasi magulang diba. Kung ikaw kaya ang magpatahimik sa mga bata?) Sumasakit na ang paa ko (nakatayo lang kasi kami) pero ayaw pa din tumigil ni Father sa kaka-dakdak. Hindi ko ba alam kung anong ugali meron yun. Ang KSP at yabang pa talaga, para namang hindi namin alam kung pano magsimba. Hindi naman dapat ganun. Feeling niya, siya si Kuya Jesus. Pati yung mga lay ministers niya, kahanga-hanga nga naman! Ganun din! Nung turn ko na kasi para mag-communion, dapat lang na sumagot ka ng amen kapag sinabing “Body of Christ”, pero hindi ata nakapag-buds ng maayos yung nagbigay sa akin ng Host. Inulit ba naman ng malakas ang amen. Kung hindi lang simbahan yun, sasabihin ko sana, “Kuya, makapal na ho ba ang aligi sa loob ng tenga niyo?.” Hehe. Porket “rector” lang kasi ang pari niyo ngayon, mag rerecto-rectoran na kayo diyan. Hehe. At ito pa, obvious na anti-GMA si Father! Hehe. Sabi niya, bakit daw kapag may naimbitahan ang “pang-gulo” sa palasyo, maka pang-libing ang susuotin natin pero kapag sa simbahan kahit pambahay na lang (Agree nga naman ako dun, pero yung sabihan niya si Pres. GMA na pang-gulo imbis na pangulo, mali ata yun. Ganyan ba ang pari?!) Sinabi niyang panggulo lang daw si GMA sa bansa natin?! Parang siya hindi “pang-gulo” ng simbahang yun eh?! Baka nakalimutan niya, rector siya!. Nakakapang-gilati nga naman si Father.

AMEN.

No comments: